Iloilo News
Building ng PECO kukunin ng sheriff at ibibigay sa MORE Power
Iloilo City – Kinumpirma ni Atty. Hector Teodosio, legal counsel ng MORE Power na kukunin ng sheriff ang opisina, business building at staff house ng Panay Electric Company (PECO) at ibibigay ito sa MORE Power.
Ayon kay Teodosio, inatasan ng korte ang sheriff na umpisahan na ang expropriation proceedings para ma-turn over na ang mga nasabing pasilidad sa MORE Power.
Ito ay batay sa Omnibus Order na inilabas ni Judge Nestle Go ng Branch 24 ng Iloilo RTC.
Si Judge Go na ang may hawak sa Expropriation civil case ng MORE Power laban sa PECO matapos mag inhibit si Judge Emerald Contreras na syang unang naglabas ng partial Writ of Possession noong nakaraang Pebrero.
Ito ay base sa Expropriation provisions ng Republic Act 11212 o franchise law ng MORE Power na kamakailan ay pinagtibay ng Korte Suprema.
Sa 22 pahinang Order ni Judge Nestle Go na may petsang Sept 24, 2020, pinayagan nito ang Petition ng MORE na isama ang nasabing mga pasilidad dahil ang mga ito ay idineklarang asset ng PECO at binayaran na ng mga konsumidor na may mahalagang bahagi sa operation ng distribution company.
Samantala, ibinasura naman ng korte ang lahat ng pending motions o petitions ng PECO na naglalayong pigilan ang expropriation proceedings.