Iloilo News
“CERTIFIED JUMPER-FREE STICKERING” INILUNSAD NG MORE POWER
Nagsimula nang maglagay ng stickers ang MORE Power Iloilo na may nakasaad na “Certified JUMPER-FREE” sa mga kabahayan na kanilang inispeksyon at napatunayang walang ilegal na koneksyon ng kuryente.
Inilunsad ito kahapon lang, Huwebes sa Brgy San Pedro, Molo kasabay ang isinagawang MORE Protek project.
391 ang target na kabahayan na lalagyan ng sticker na lehitimo na mga komsumidor sa nasabing Baranggay.
Pinangunahan mismo ni MORE Power President Roel Castro ang house to house inspections sa mga bahay sa San Pedro kasama ang mga Brgy Officials.
Ayon sa MORE Power, pagpapahayag ito ng kompanya sa kanilang commitment sa mga konsumidor na mabigyan sila nang maayos na serbisyo at para na rin magbigay din ng commitment ang mga konsumidor na hindi sila mag ju-jumper ng kuryente.
Para na rin matulungan na magkaroon ng kuryente, dinala na mismo ng MORE POWER ang application forms sa kanilang bahay at tinulungan ang mga ito sa pagproseso kasama ang City Engineering.
Nasa 311 pa na mga kabahayan ang nangangailangan na malagyan ng kuntador sa San Pedro, Molo.
Isasagawa naman ng MORE POWER na Model Brgy ang San Pedro na JUMPER -FREE at aayusin ang mga magulong mga linya, poste at metro ng kuryente.