Connect with us

Iloilo News

City DILG, irerekomenda ang full implementation ng road clearing operations sa Iloilo City

Published

on

Irerekomenda ng City DILG ang full implementation ng road clearing operations sa lungsod ng Iloilo.

Inihayag ni City DILG Director Roy Defiño na irerekomenda niya sa lungsod ang full implementation ng road clearing.

Aniya, hindi pare-pareho ang classification ng quarantine status sa lungsod.

Mababatid, na batay sa memorandum ng DILG, ang mga nasa ilalim sa GCQ areas ay maaaring makakasagawa ng partial implementation. Kabilang dito ang pagkuha ng mga obstructions sa tabi ng daan.

Samantala, ang mga nasa MGCQ areas naman ang full implementation.

Nakatakdang magpapalabas ng bagong guidelines ang DILG Central Office, inaasahan namang susundin ito ng mga LGUs.