Connect with us

Iloilo News

COVID-19 BEDS NG MGA OSPITAL SA ILOILO CITY, PUNO NA – COVID-19 TEAM SPOX JECK CONLU

Published

on

COVID-19 BEDS NG MGA OSPITAL SA ILOILO CITY

ILOILO CITY – Puno na ang mga COVID-19 beds ng mga ospital sa Iloilo City.

Ayon kay Iloilo City COVID-19 team Spokesperson Jeck Conlu, may mga pumipilang pasyente para ma-admit sa COVID-19 beds sa mga ospital at naghihintay dahilan na hindi sila madaling ma-admit.

Ang ICU bed capacity ng siyudad ayon pa kay Conlu, ay nasa 90% na ang utilization rate pero base sa kanilang data, 30% lang dito ang mga residente ng Iloilo City habang galing naman iba’t-ibang probinsiya sa Panay ang natitirang porsyento.

Dumadami ayon sa kanya, ang kaso ng COVID-19 sa siyudad kaya’t naghanhanda na ang lungsod sa pagdagdag ng mga resources.

Ito rin aniya ang dahilan kung bakit isinailalim sa surgical lockdown ang portion ng mga barangay na may mahigit tatlong kaso para ma-isolate, ma-test, ma-trace at kung may transmission, agad itong mapigilan.

Una ng nanawagan si Mayor Jerry Treñas sa mga residente na mag-stay at home kung hindi naman importante ang pupuntahan dahil ayon sa alkalde nasa critical level na ang healthcare system ng lungsod.