Iloilo News
CURFEW AT LIQUOR BAN SA ILOILO CITY, PINALAWIG PA HANGGANG HUNYO 30, 2021
Ipinag-utos ni Mayor Jerry Treñas ang pagpapalawig ng curfew sa lungsod ng Iloilo hanggang Hunyo 30 bilang patuloy na pagiingat sa COVID-19.
Sinimulang ipatupad ang curfew na 10:00 ng gabi hanggang alas 4:00 ng madaling araw nitong Mayo 23.
Kasabay itong pinatupad nang isinailalim sa MECQ ang lungsod.
Batay sa kautusan, pinalawig rin ang liquor ban sa Iloilo City hanggang Hunyo 30, 2021.
Mababatid na patuloy na nananawagan ang alkalde sa mga residente na huwag na munang lumabas ng mga kabahayan upang maagapan ang lalong pagkalat ng COVID-19.
Continue Reading