Iloilo News
CURFEW PARA SA MINORS, IPAPATUPAD SA ILOILO CITY
Iniutos ni Mayor Jerry Treñas ang mahigpit na pagpapatupad ng curfew para sa mga menor de edad sa lungsod ng Iloilo.
Ayon sa alkalde, nagbigay na sya ng direktiba kay Col. Uldarico Garbanzon at kay Jeck Conlu.
“I have given instructions to Col. Uldarico Garbanzos and Jeck Conlu to start reminding our minors to comply with our curfew on minors, saad ng alkalde.
Simula sa Huwebes, ang mga lalabag na menor de edad ay dadalhin sa CSWD.
“Starting Thursday minors violating the ordinance will be brought to the CSWD to be picked up by their parents,” ani Treñas.
Inaasahang maglalabas ng memo ang alkalde sa lahat na barangay officials para sa nasabing ordinansa.
Continue Reading