Connect with us

Iloilo News

Curfew sa lungsod ng Iloilo, Tatanggalin na sa Nov. 1; 24 hours operation sa Fast Food chains at Convenience stores papayagan na

Published

on

PAPAYAGAN na ni Mayor Jerry Treñas ang mas maraming economic activities sa lungsod ng Iloilo.

Papayagan na ring magbukas ng 24 oras ang mga convenience stores at fastfood chains.

Ayon pa sa alkalde, itatanggal na ang curfew sa lungsod simula Nobyembre 1, 2020.

“Considering nga ara man kita gihapon sa GCQ, waay kita sa MGCQ but we will allowing more economic activities. Ang tanan nga fastfood kag convenience stores, itugtan ta na para mag-open sila up to 24 hours, amo na ang first. Ang second, ang curfew, dulaon ta na sugod November 1,” pahayag ng alkalde.

Dagdag pa niya, papayagan nang makabyahe ang pampublikong transportasyon para may masasakyan ang mga nagtatrabaho sa gabi at sa madaling araw.

“Nagapati kita nga ang pumuluyo sa syudad , after 7-8 months, daw sufficient naman siguro nga maintindihan nila ang mga minimum health protocols,” ani Treñas.

Samantala, mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pag-inom ng alak sa pampublikong lugar habang ang bentahan naman nito ay hanggang alas 6:00 ng gabi.