Connect with us

Iloilo News

Dagdag na ayuda sa Iloilo City para sa mga hindi napabilang sa AICS, panawagan ni Treñas sa Nat. Gov.

Published

on

Humingi ng dagdag na ayuda si Mayor Jerry Treñas sa national government para sa mga residenteng hindi kabilang sa distribution ng cash assistance sa lungsod ng Iloilo.

Ayon kay Treñas, sinisiyasat pa sa ngayon ang numero kung ilang tao pa ang nangangailangan sa lungsod.

Nilinaw din ng alkalde na sobra ang numero ng mga nangangailangan kumpara sa inilaan ng DSWD na numero ng mga beneficiaries.

Mayroong 115, 436 beneficiaries ng Special Assistance to Individuals in Crisis Situation ang Iloilo City.

Samntala, magiging pinal lang ang dagdag na ayuda kapag maibigay na sa lahat ng beneficiaries sa lungsod ang cash assistance.