Connect with us

Iloilo News

DEPED RD RAMIR UYTICO, PINAIIMBESTIGAHAN NI ILOILO CITY MAYOR JERRY TREÑAS SA PAGLABAG SA COVID HEALTH PROTOCOL

Published

on

Pinaiimbestigahan ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas kay Iloilo City Police Office Chief Col. Uldarico Garbanzos ang pagpunta ni DepEd 6 Regional Director Ramir Uytico at iba pang DepEd officials sa Isla ng Boracay noong nakaraang linggo sa kabila ng pagpositibo ng isa sa kanilang empleyado sa regional office.

Ayon sa FB post ni Mayor Treñas, hindi umano nila kukunsintihin ang pagsasawalang-bahala sa ipinapatupad na minimum health protocols ng kahit sinuman o anuman ang posisyon sa gobyerno.

Pinaiimbestigahan ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas

Mahalaga umano ang pagsunod sa health protocols at hindi dapat abusuhin ng sinuman kahit regional director pa.

Seryoso umano itong paglabag sa alituntunin sa gitna ng presensya ng Delta variant sa rehiyon.

Dagdag pa ng alkalde na masusi niya itong paiimbestigahan para sa kaukulang aksyon at mapanagot ang mga may sala.

Maalala na nakapanayam pa ng Radyo Todo Aklan si DepEd Regional Director Uytico may kaugnayan sa launching ng School Heads Academy sa Boracay noong July 23, 2021 at doon din napag-alaman na isa siya sa mga close contact ng empleyadong nagpositibo sa CoViD-19 sa regional office.