Connect with us

Iloilo News

DOH, walang sistema sa pagresponde sa mga reports na may adverse reactions sa COVID-19 vaccine – Dr. Jurao ng IDH

Published

on

Photo: Daily Guardian

Naniniwala si Dr. Ludovico Jurao, infectious disease specialist ng Iloilo Doctor’s Hospital na walang sistema ang Department of Health sa pagresponde sa mga reports ng ilang indibidwal na nakaramdam ng adverse reaction sa COVID-19 vaccine.

Ayon kay Dr. Jurao, kasunod ito sa kanyang pag-report sa ahensya na na-stroke siya at nagka-blood clot ilang araw matapos bakunahan laban sa COVID-19.

Nakatanggap ng bakuna si Dr. Jurao noong Marso 10 at Marso 16 nang mapansin ng mga kasamahan niya sa meeting na hindi maintindihan ang kanyang pagsasalita.

Sumailalim siya sa CT-scan at doon napag-alamang may blood clot sa ulo ng doktor dahil sa stroke.

Sinabi naman ni Dr. Jurao na matagal na siyang hypertensive.

Naniniwala din ang doktor na adverse reaction ito ng bakuna kaya’t nagsumite ito ng official records sa DOH 6.

Aniya pa, noong natanggap sana ng ahensiya ang complaint dapat nag-imbestiga na ito kung totoo o hindi.

Pumunta lang umano ang representative ng DOH 6 at tiningnan lang ang kanyang records.

“Okay lang na gani kun na-stroke ka tungod sa kapabayaan mo, pero it was vaccination. Pero ang natabo was, indi pag-i-accept sang DOH nga vaccine related [ang blood clot kag stroke], kay may comorbid kuno ako nga hypertension,” saad ng doktor.

Paliwanag pa nito, ang DOH Central Office pa daw ang nagbigay sa kanya ng instruction kung ano ang gagawin sa mga pasyente na nakaramdam ng adverse reaction.

“I think during that time sang pagtawag nila sa akon, wala pa sang system. Kay ang sistema nila, nag-occur lang after nga nakahambalanay kami. Kay gin pour-out ko sa ila ang akon nga [na-eksperyensyahan]. Amo na nadismaya ako sa response sang Department of health sang ako nagmasakit,” paglalahad pa ni Jurao.

(With reports from Aksyon Radyo)