Connect with us

Iloilo News

EO 41 NA MAGSASAILALIM SA ILOILO CITY SA MECQ, ‘ON-HOLD’ HABANG HINDI PA NA APRUBAHAN NG NIATF

Published

on

Hindi pa epektibo ang implementasyon ng Executive Order No. 41 ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas na magsasailalim sa MECQ sa lungsod ng Iloilo.

Ayon sa alkalde, habang hindi pa pa na aprubahan ng National Inter Agency Task Force ang request sa pagtaas ng community quarantine status sa lungsod, on hold muna ang implementation ng EO.

“The implementation of the EO on MECQ is put on hold pending approval of the NIATF. Please be guided accordingly. Thank you,” ani Treñas.

Mababatid na inilabas ang executive order kahapon, Mayo 17.

Patuloy naman ang pag follow-up ng alkalde sa mga opisyal ng National IATF at National Task Force Against COVID-19.