Iloilo News
GOV. DEFENSOR, NAKA-QUARANTINE NA MATAPOS MAGPOSITIBO ANG ILANG EMPLEYADO SA KAPITOLYO KASAMA ANG AIDE NITO
Naka-quarantine na ngayon si Iloilo Gov. Arthur Defensor, Jr., matapos na magpositibo ang ilang empleyado sa provincial capitol kasama na ang aide nito.
Ito ang kinumpirma ni Provincial Administrator Atty. Suzette Mamon.
Ayon kay Mamon, naka-quarantine naman na ang 24 mga empleyado ng kapitolyo na nagpositibo sa COVID-19.
Dagdag pa nito, natapos na rin umano ang isinagawang contact tracing at disinfection kaya’t inaasahang babalik na ang normal na transaksyon sa susunod na linggo.
Maaalala na isinara ang Governor’s office kasama pa ang ilang tanggapan sa ilalim ng provincial government noong nakaraang mga araw kasunod ng nairecord na COVID-19 cases.
Continue Reading