Iloilo News
GUIMBAL, ILOILO MAYOR GARIN SR. NAGPOSITIBO SA COVID-19
Kinumpirma ni Vice Governor Christine Garin na nagpositibo sa COVID-19 ang kanyang ama na si Mayor Oscar “Oca” Garin Sr. ng Guimbal, Iloilo at naka-admit sa isang pribadong ospital sa Iloilo City.
Ayon kay Vice Governor Garin na magli-limang araw na umanong namamalagi sa ospital ang kanyang ama.
Kaugnay nito, umaapela ng panalangin si Garin sa lahat ng nagmamahal sa kanyang ama para sa mas mabilis na recovery ng alkalde.
“Si Oca Garin, Si tatay still admitted sa hospital and stable sia that’s a good news. For those nga nagapalangga kay Oca Garin not only sa pagka-politiko niya, damo man nabuligan niya nagahingyu man ako nga buligan ninyo kami nga mag-maayo na sia the soonest kag para magakwa na sia sa hospital,” pahayag ni Garin sa isang panayam.
Kasabay ng paghingi ni Garin ng patuloy na panalangin para sa mabilis na paggaling ng kanyang ama, kinumpirma nito na positibo ang alkalde sa COVID-19 na posibleng mabilis umano itong na-infect dahil na rin sa may edad na ito.
“Well, of course he is positive sa COVID so amo na. Daan bal-an naman kon may edad kana mas dasig ka mag-infection kag mas grabe ang igu sang Covid-19 sa imo. Gabay kag with all your help and prayers mag-ayo na sia. Thank you gid sa tanan nga nagpaabot kang prayers,” dagdag pa ni Garin.