Iloilo News
GURO AT TATLO NIYANG ANAK, PATAY MATAPOS MA-TRAP SA NASUSUNOG NA BAHAY


Nasawi ang isang guro at tatlo nitong anak sa sumiklab na sunog sa Barangay Pagdugue, Dumangas dakong 4:40 ng umaga ngayong Miyerkules.
Batay sa inisyal na impormasyon ng Dumangas MDRRMO, hindi na nakitang buhay ang 38-anyos na ina, na isang guro at tatlo nitong anak.
7 taong gulang ang kanyang anak lalaki, 6 at 3 tatlong taong gulang naman ang mga babae.
Na-trap ang apat na biktima sa kanilang kwarto nang tupukin ng sunog ang kanilang bahay na gawa sa light materials.
Nasa Manila ang asawa ng biktima para magproseso ng papeles para makabalik sa kanyang trabaho sa ibang bansa.
Samantala, patuloy namang iniimbestigahan ng otoridad ang sanhi ng sunog.
Continue Reading