Iloilo News
“HELMET MO, RESPONSIBILIDAD MO”; PLATE NUMBER STICKER SA HELMET, ISINUSULONG SA MGA MOTORISTA SA ILOILO CITY
Isinusulong ngayon ng Iloilo City Police Office (ICPO) ang paglagay ng plate number sticker sa mga helmet ng mga motorista dahil sa sunod-sunod na kaso ng riding in tandem sa lungsod ng Iloilo.
Ayon kay PCol. Uldarico Garbanzos, Direktor ng Iloilo City Police Office, layon nitong mapadali ang pagtugis sa mga suspek.
Aniya mahirap ma identify ang mga suspek dahil nakasuot ng full face helmet at facemask.
Base sa proposal, nakasaad na maglalagay ng sticker sa helmet na may plate number ng motor at magsasagawa din ng data banking at magbibigay lang ng numero.
Ayon kay Garbanzos, isinusulong niya ang naturang hakbang kay City Councilor Jojo Javellana ng Committee on peace and order at kay Councilor Jorge Duron ng committee on transport.
Dagdag pa ng opisyal, pagaaralan nila ito kasama ang LTO at LTFRB para matigil na ang mga krimen sa lungsod katulad ng motor riding suspects.
Paliwanag pa ni Gabranzos, hindi maaaring ipahiram ang helmet dahil maaari itong gamitin sa krimen.