Iloilo News
HERD IMMUNITY SA PROBINSYA NG ILOILO, POSIBLENG MAABOT SA NOBYEMBRE


MALAKI ang posibilidad na makakamit ng Iloilo Provincial Government ang herd immunity sa buwan ng Nobyembre kapag mabakunahan ang karamahihang residente sa lalawigan ng Iloilo.
Batay sa pahayag ni Dr. Maria Socorro Colmenares-Quiñon, hepe ng Provincial Health Office, as of Sept. 22, 18% (164,155) na ng target population ang naka-kumpleto ng vaccination.
Ang mga nakatanggap na ng mga second dose ng bakuna ay mga sumusunod:
health workers (40, 479)
senior citizens (48,571)
comorbidities (53,231)
economic frontliners (21-510)
indigents (364)
Paliwanag ni Dr. Quinion, nag-set na sila ng daily vaccination target sa mga bayan sa probinsya ng Iloilo.
Patuloy naman ang pagsagawa ng barangay based vaccination sa bayan ng Oton, Pavia, Anilao, Pototan at Sta. Barbara.
Nasa 1,448,757 ang target population ng probinsya ng Iloilo na mabakunahan para maabot ang herd immunity.