Connect with us

Iloilo News

Hindi tugma ang datos ng DOH kaugnay sa COVID-19 cases sa lungsod ng Iloilo — Mayor Treñas

Published

on

Photo: Jerry Treñas/FB

MAGHAHAIN ng pormal na reklamo si Mayor Jerry Treñas laban sa Department of Health (DOH) kaugnay sa mga hindi tugma na datos ng COVID-19 cases sa lungsod ng Iloilo na iniulat ng ahensya.

Ayon kay Treñas, nagtataka umano siya kung saan kumukuha ng numero ng kaso ng COVID-19 ang DOH na mas mataas kumpara sa datos na naitala ng City Government at DOH-Western Visayas.

Tinutukoy ng alkalde ang datos nitong Nobyembre 3 at 4 na kung saan 2 lamang na kaso ang naitala ng lungsod nitong Miyerkules at 9 na kaso noong Martes. 

Samantala batay sa DOH website, natala ang 41 bagong kaso sa Iloilo City, Miyerkules, Oktubre 4, at nasa ikalima ang nasabing lungsod na may pinakamaraming kaso sa buong bansa. 

Dismayado naman si Treñas sa tala ng DOH. 

“Basi nga may magic ball ni ang DOH nga ginahaum-haum lang nila noh.  Pero ako ya, nagreklamo na ko, nagtext na ko kay Sec.  Lorenzana, Sec. Galvez, Sec. Año, Sec. Duque, Sec. Harry Roque, sa kay RD Convocar nga indi na ýa nami ang gina-obra nila,” pahayag ng alkalde sa isang panayam. 

Aniya, “unfair” umano ito sa mga residente pati na sa mga opisyal, doktor at kapulisan sa lungsod na nagpapatupad ng kanilang tungkulin para masugpo ang COVID-19. 

“Indi na ko ya kabalo kun diin ni sila nagakuha sang datus nila. Basi ga-isip ni sila bituon bala kag asta ina ginadala nila sa kaso ta. Indi fair para sa gina-obra  sang aton pumuluyo diri sa syudad,  indi fair sa aton nga barangay officials, indi fair para sa aton nga mga doktor kag kapulisan nga ginhawa ta ka papanaog sang aton status diri sa syudad,” saad ni Treñas. 

Dagdag pa ng alkalde, kasong administratibo ang kanyang isasampa sa mga empleyado ng DOH na hindi nagtatrabaho ng maayos.

Continue Reading