Connect with us

Iloilo News

ILOILO CITY BALIK SA ECQ MATAPOS MAGPOSITIBO SA RAPID TEST ANG 9 NA OFWs NA DUMATING KAHAPON

Published

on

BINALIK sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Iloilo City matapos magpositibo sa Rapid Test ang 9 sa mga OFWs na dumating kahapon mula sa Manila.

Mismong si Presidential spokesman Harry Roque ang nagkumpirma nito sa media briefing ngayong Huwebes.

Kahapon lang inanunsyo ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases na kasama na ang Iloilo City sa ibinaba sa General Community Quarantine (GCQ).

Kahapon din dumating ang mga OFWs sa Iloilo sakay ng barkong 2Go at 9 sa kanila ngayon ang nagpositibo sa Rapid Test. Nakatakda na silang isailalim sa RT-PCR test para matukoy kung infected ang mga ito ng COVID-19.

Kuagnay nito, ipinag-utos na rin ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas na i-lockdown ang hotel na nagsisilbing quarantine facility ng mga repatriated OFWs.