Connect with us

Iloilo News

ILOILO CITY BEACH FOREST PLANONG IPATAYO SA BOULEVARD, MOLO

Published

on

Planong magpatayo ng 1.6 hectare na Iloilo City Beach Forest sa Boulevard, Molo.

Inutusan ni Mayor Jerry Treñas si City Environment and Natural Resources Office Head Engr. Noel Z. Hechanova na pamunuan ang nasabing proyekto.

Kaparte ito sa priority projects para sa climate change at para mabawasan ang polusyon.

Magpapatayo rin Conservation Information Center para gawing display area ng mga larawan, IEC materials, briefing area para sa mga bisita, biodiversity conservation at environmental awareness activities.

Magkakaroon din ng demo nursery na magsisilbing mapagkukunan ng mga seedlings para sa coastal tree planting activities.

Kabilang sa mga species na itatanim ay mga umbrella tree, botong, bakauan, kawayan, bitaoag, agoho, at iba pa.

May proposal din na magpapatayo sa hatchery para sa marine at turtle preservation.

Nalagdaan na rin ang memorandum of agreement ng lungsod at Department of Environment and Natural Resources para sa nasabing plano.