Iloilo News
ILOILO CITY, KABILANG SA PRIORITY LIST NG NATIONAL GOV’T PARA SA COVID-19 VACCINE DISTRIBUTION


Kabilang ang lungsod ng Iloilo sa priority list ng national government para sa COVID-19 vaccination distribution.
Sa press briefing, inanunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque na isa ang Iloilo City sa sampung lugar sa labas ng NCR plus 8 na nasa priority list.
Kabilang sa 10 lugar ang Bacolod City, Cagayan de Oro, Baguio, Zamboanga, Dumaguete, Tuguegarao, General Santos, Naga at Legaspi.
Ang nasabing mga lugar kabilang ang NCR plus 8 ang inikonsidera na priority areas para sa deployment ng mga bakuna.
Mababatid na nanawagan ang Iloilo City government ng dagdag na bakuna para mapigilan ang COVID-19 surge sa lungsod.
(With reports from Aksyon Radyo Iloilo)
Continue Reading