Connect with us

Iloilo News

ILOILO CITY MAYOR TREÑAS, PINAIIMBESTIGAHAN SA CIDG NA PUMUNTA PA SA BACOLOD ANG 1 SA 8 DOKTOR NG ST. PAUL’S HOSPITAL

Published

on

St. Paul's Hospital in Iloilo. Image: SPHIloilo.com

Iloilo – Pina-iimbestigahan ngayon ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas sa CIDG ang impormasyong pumunta pa umano sa Bacolod City ang isa sa walong doktor ng St. Paul’s Hospital matapos itong sumailalim sa swab test.

Kung sakaling mapatunayan umano ito nangangahulugan lamang na sumuway siya sa pinatutupad na protocol sa lugar.

Base sa ibinigay na impormasyon sa alkalde kumain pa umano ito kasama ang iba pang doktor sa Bacolod.

Kaugnay nito, naka-quarantine na rin sa ngayon ang mga kasama ng doktor sa nasabing lugar.

Ayon kay Treñas isang “resident of surgery” ang doktor na ito.

Nagbigay na rin umano ng tagubilin ang alkalde kay Dr. Roland Jay Fortuna, COVID-19 focal person ng syudad na makipag-usap sa CIDG ukol sa impormasyong nakarating sa kanya. Tinawag pa ni Treñas na iresponsable ang ginawa ng doktor kung mapatunayang may katotohanan ito.

Sa ngayon naka-facility quarantine ang walong doktor sa nabanggit na Hospital na asymptomatic naman umano.

Patuloy na naka-lockdown ang St. Paul’s Hospital at bukas posibleng buksan.

via Aksyon Radyo Iloilo