Iloilo News
ILOILO CITY, NAKA-RECORD NA NG 22 DELTA VARIANT NG COVID-19


Umabot na sa 22 ang kaso ng Delta COVID-19 variant na na-detect sa Iloilo City.
Ito ay kasunod ng pagkumpirma ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) na nadagdagan ng 7 kaso amg syudad base sa ipinalabas na resulta noong Sept. 11, 2021, mula sa Department of Health Epidemiology Bureau.
Nauna ng naka-record ang syudad ng 15 kaso ng Delta variant.
Sa pitong kaso, anim ang naka-recover habang isa ang active at fully vaccinated na laban sa COVID-19.
Inire-swab ang pitong kaso na naka-quarantine habang inaantay ang resulta ayon sa CESU.
Kung magpositibo, muli silang i-quarantine ng 14 na araw pero kung negatibo, palalabasin na ang mga ito sa pasilidad.
Continue Reading