Connect with us

Iloilo News

ILOILO CITY, SIGURADO NA ANG PATULOY NA PAGMURA SA PRESYO NG KURYENTE

Published

on

Derekta nang kukunin ng MORE Power Iloilo ang 100 porsyento na supply ng kuryente sa grid simula sa Mayo 26.

Ito ay matapos na maitayo na ng MORE Power ang bagong 69KV transmission line switching station sa Brgy. Banuyao, Lapaz.

Sa isinagawang inagurasyon noong Mayo 18, ipinahyag ni MORE Power President at Chief Operating Officer Roel Castro na ikokonekta ng nasabing imprastraktura ang lahat na substations sa lungsod papunta sa Sta. Barbara substation ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Dahil dito, makabili at makapili na ng mas murang supply ng kuryente ang MORE Power sa Wholesale Electricity Spot Market at Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation.

Plano din ng MORE Power na simulan na sa Enero sa susunod na taon ang pagsasagawa ng Competitive Selection Process sa mga suppliers ng kuryente.

Noong nakaraan, halos 70 posyento ng kinakailangang supply ng Iloilo City ang nanggagaling sa Global Business Power dahil sa 1 year emergency contract ng MORE Power sa kanila.

Sa kabila nito, nagawa ng MORE Power na mapababa ng mahigit piso ang presyo ng kuryente sa mga konsumidor dahil sa pagtutok nito sa pagbili ng 30 porsyento mula naman sa ibang mga supplier.

Samantala, nagpasalamat si Iloilo City Mayor Jerry Treñas sa ginawang ito ng MORE Power.

Ayon sa kanya, dahil sa mga ginagawa ng MORE Power, sigurado na ang mga developments ng lungsod at magbi-benepisyo dito ang mga konsumidor.

Muling ipinahayag ng alkalde na ang MORE Power ay nagsisilbi sa lungsod hindi lang bilang isang public utility kundi kapartner na sa mga programa ng lungsod para sa patuloy na pag-unlad.