Iloilo News
Iloilo Gov. naghahanap na ng pondo para sa ayuda ng mga eateries, beauty salons displaced workers


NAGHAHANAP na ng pondo ang Iloilo Government para mabigyan ng ayuda o cash assistance ang mga nagtatrabaho sa eateries, barbershops at beauty parlors sa probinsya ng Iloilo.
Tinatayang nasa 3,367 mga workers sa naturang business establishments ang nawalan ng trabaho nang ipatupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) noong Hulyo 2021 sa lalawigan.
Kinumpirma ni Public Employment Service Office (PESO) Iloilo Manager Francisco Heller na naghahanap na ng pondo si Iloilo Governor Arthur Defensor Jr., para mabigyan ng ayuda ang mga apektadong workers.
Mababatid na una nang binigyan ng Iloilo Government ng ayuda ang 2,217 mga displaced workers sa tourism sector sa pamamagitan ng DOLE TUPAD program.