Connect with us

Iloilo News

Isang personnel ng BJMP VI, nagpositibo sa COVID-19

Published

on

Isang personnel ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Regional Office VI na na-assigned sa regional office ang nagpositibo sa COVID 19.

Base sa ipinalabas na statement ng BJMP VI, naka isolate na ngayon ang pasyente at mahigpit na minomonitor ng mga doktor.

Kaagad na ring inutos ni BJMP Reg. Office VI Dir. Jail Supt. Baby Noel Montalvo ang pagsasagawa ng contact tracing na nakasalamuha ng pasyente at iba pang posibleng nahawaan nito para magamot.

Sa ngayon naka quarantine na ang lahat ng personnel assigned sa regional office bilang pagsunod sa health protocols at regular na koordinasyon sa Department of Health (DOH) at local epidemiology unit sa Iloilo City.

Ayon kay Jail SSupt. Gilbert Peremne, ARD for Admin at chief ng CRS section na, naiintidihan nila ang mga agam-agam ng maraming mga gruponmay kaugnayan sa unang kaso ng covid sa BJMP subalit inilabas umano nila ang naturang impormasyon Hindi para takutin ang mga tao kundi para ipaalam ang kanilang ginagawang effort para sa kanilang frontliners lalo na yong mga nasa field.

Ipinasiguro ni Peremne na magiging transparent ang kanilang ahensya sa pagbibigay sa kanilang mga frontline officers ng buong medical attention o anumang suporta n kailangan sa ganitong mga panahon.

Sa katunayan, namigay umano sila ng mga gamot, vitamins at personal protective equipment (PPE’s) sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL) sa huling bisita nila sa Culasi, Antique.

Patuloy din umano ang kanilang strict implementation ng mga health protocols at precautionary measures sa mga kulungan para mapigilan ang virus na makapasok sa mga pasilidad.