Connect with us

Iloilo News

LAHAT NG KURYENTE SA ILOILO CITY, DUMADAAN NA SA NGCP: MAS MABABANG SINGIL SA KURYENTE MULA SA MARAMING SUPPLIERS, INAASAHAN

Published

on

Matagumpay na naikonekta ng MORE Power Iloilo sa National Grid Corporation (NGCP) ang bagong 69KV transmission line sa switching station sa Brgy. Banuyao, Lapaz.

Kaugnay nito, direkta ng kumukuha ang MORE Power ng 100% supply ng kuryente sa grid simula Mayo 26.

Sa isinagawang switching na nag simula nitong Martes ng gabi hanggang madaling araw, ang lahat na substations ng MORE Power sa lungsod ang nakatanggap na ng kuryente na mula sa NGCP Sta. Barbara substation.

Dahil dito, makakabili at makakapili na ng mas murang supply ng kuryente ang MORE Power sa Wholesale Electricity Spot Market at Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation.

Plano naman ng MORE Power na simulan na sa Enero sa susunod na taon ang pagsasagawa ng Competitive Selection Process sa mga suppliers ng kuryente.

Nakaraan lamang ay aabot ng 70% ang kailangang supply ng Iloilo City na mula sa Global Business Power dahil sa kanila mismo naka direkta ang transmission line. Dahil dito hindi na dumaan pa sa ibang mga suppliers na may mas mababang kuryente.

Sa kabila nito, nagawa naman ng MORE Power na mapababa ang presyo ng kuryente sa mga konsumidor dahil sa pagtutok nito sa pagbili ng natirang 30% mula sa iba pang mga supplier.

Sa ngayon nasa 100% na sa NGCP grid o transmission line ang dumadaang kuryente.

Makakabili at makakapili na ng mas mura pang supply ang MORE Power para sa mga konsumidor sa lungsod ng Iloilo.