Connect with us

Iloilo News

Lalawigan ng Iloilo, balak magpadala ng tulong sa Bicol Region

Published

on

Planong magpadala ng ayuda ang probinsiya ng Iloilo sa mga nasalanta ng Bagyong Rolly sa Bicol Region ayon kay Governor Arthur Defensor.

Aniya, matinding pinsala ang dala ng bagyo lalo na sa Albay.

Pahayag naman ng gobernador, hindi pa malalaman kung magkano ang halaga na itutulong sa rehiyon.

Pero mababatid na nagbigay ng 1 million pesos na financial aid ang probinsiya ng Iloilo sa Davao nakaraang naapektuhan ito ng lindol.