Iloilo News
LIQUOR BAN, IPAPATUPAD NA SA PROBINSIYA NG ILOILO SIMULA MAYO 28 HANGGANG MAYO 31 — GOV. DEFENSOR
Dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa probinsiya ng Iloilo, magpapatupad na ng liquor ban sa probinsiya simula Mayo 28 hanggang Mayo 31 batay sa inilabas na Executive Order No. 174 ni Iloilo Governor Arthur Defensor Jr.
Idineklara ito ng gobernador para mapigilan ang paglobo ng kaso ng COVID-19 sa probinsiya.
Batay sa EO, ipinagbabawal ang pagbebenta at pag-inom ng alak sa pampublikong lugar man o hindi.
“The consumption/drinking in any setting, whether public or private place, and the selling, furnishing, offering, buying, serving, dispensing and transporting of alcoholic beverages. such as, whisky, brandy, gin, vodka, rum, cocktail, wine, champagne, beer and such otherintoxicating drinks, shall be prohibited,” saad sa EO.