Connect with us

Iloilo News

Lokal na mga produkto na layong magbigay ng re-usable masks sa komunidad sa Iloilo, suportado ng PCPC

Published

on

NAMAHAGI ng reusable face masks sa mga local government employees at mga frontliners ang Palm Concepcion Power Corporation (PCPC), ang nagmamay-ari ng 135-MW CFBC Power Plant sa Concepcion para sa patuloy na pagsuporta laban sa pandemya.

Ang 1,000 reusable masks na binahagi ay gawa ng women’s group ng barangay Polopiña.

Ang nasabing grupo ay binubuo ng mga asawa ng mga mangingisda sa barangay.

“This gesture may be small, but we believe that its impact is significant in our continuing effort to help the people in (of Concepcion) in their fight against the virus,” pahayag ni PCPC Vice President for Corporate Services, Anna Lynn Derpo.

Dagdag pa ni Derpo, pinili nila ang mga lokal na produkto bilang isang maliit na paraan ng pagsuporta sa kabuhayan ng mga residente na kung saan nakatayo ang kanilang power plants.

Sa kasagsagan ng pandemya noong buwan ng Abril, nagsagawa ang PCPC ng 8-week food assistance para sa mga frontliners at sa 25 barangay kitchens nagfe-feeding sa mga senior citizens sa Concepcion.

Nag-donate din ang power plant ng protective personal equipment, surgical masks, gloves, at alcohol, sa mga frontliners at komunidad na apektado ng pandemya.