Iloilo News
MAG-INA, PATAY MATAPOS MA-TRAP SA NASUSUNOG NILANG BAHAY SA LEGANES
Patay ang mag-ina nang ma-trap sa nasusunog nilang bahay sa San Vicente Village, Leganes Biyernes ng umaga.
Kinilala ng mga awtoridad ang mga biktima na sina Vivien Ganon, 48 anyos at anak nitong si Anthony Kim Ganon, 21 anyos.
Maswerte namang nakaligtas ang 15 anyos nitong anak matapos itong nakatalon.
Ayon kay Fire Senior Supt. Gerry Candido posibleng na-trap at na suffocate ang mga biktima sa 2nd floor ng kanilang bahay at nahulog ito sa baba.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng BFP para mabatid ang dahilan ng sunog at ang halaga ng danyos sa mga ari-arian.
Continue Reading