Iloilo News
Mayor Treñas, pabor na isasailalim sa New Normal ang Iloilo City


Pabor si Mayor Jerry Treñas na isasailalim ang lungsod ng Iloilo sa new normal at tanggalin na ang quarantine.
Ayon sa alkalde, nakahanda na ang lungsod sa new normal sakali mang tanggalin ito ng national government.
Aniya, ang importante lang umano ay pagpapatuloy na pagsunod sa mga health protocols sa buong lungsod para hindi na kumalat ang local transmission at para hindi na mapuno ang mga ospital.
Sakali mang tumaas ang kaso, nakahanda na ang mga quarantine facility sa naturang lungsod.
Mayroon na ring dagdag na mga isolation center na ipanatayo mula sa mga ahensiya ng gobyerno at mula sa mga private sector.
Nabatid na una nang inihayag ni Presidential spokesperson Harry Roque, Lunes, na posibleng isasailalim na sa ‘New Normal’ang ilang mg lugar sa bansa sa darating na buwan ng Oktubre.