Iloilo News
MGA FRONTLINERS SA ILOILO CITY, SUMAILALIM SA RAPID MASS TESTING
Sumailalim sa rapid mass testing ang mga frontliners sa Iloilo City na kinabibilangan ng mga miyembro ng Bureau of Fire Protection (BFP), Armed Forces of the Philippines (AFP), City Disaster Risk Reduction and Management Council at Iloilo City Police Office (ICPO).
Isinagawa ang swab at rapid testing sa barkong MV John B Lacson na naka angkorahe sa Muelle Loney.
Hinati sa tag-10 ang kada batch ng mga frontliners para masiguro ang social distancing.
Nagsilbi naman na holding area ang Iloilo City Freedom Grandstand bago payagan na makaakyat sa barko ang mga kukuha ng test.
Naging ma-ingat ang mga personnel ng City Health Office na nag-facilitate ng test habang nakasuot ng Personal Protective Equipment (PPE).
Sa pamamagitan ng mass testing masisiguro umano na ligtas mula sa panganib ng coronavirus ang mga frontliners batay kay Mayor Jerry Treñas.