Iloilo News
Mga kabataan sa lungsod ng Iloilo isasailalim sa libreng livelihood training
Aabot sa 55 mga kabataan sa lungsod ng Iloilo ang isasailalim sa libreng livelihood training sa buwan ng Disyembre.
Ang programang Uswag Skills Enhancement and Livelihood Program (USELP) ay inilunsad ng Iloilo City government kasama ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Labor and Employment (DOLE), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Department of Trade and Industry (DTI), Philippine Chamber of Commerce & Industry (PCCI), Technical Institute of Iloilo City (TIIC), City Social Welfare and Development Office (CSWDO), at Iloilo Children Welfare Foundation Inc.
Isasailalim ang mga kabataan sa libreng training sa larangan ng cooking at plumbing.
Mga kabataang naapektuhan ng pandemya ang magiging benepisyaryo sa nasabing programa.