Iloilo News
MGA NAHULING WALANG FACE MASK O MALING PAGKAKASUOT, PINAGMULTA NG ₱1,000

SINITA AT PINAGMULTA ng ₱1,000 ang ilang residente sa Iloilo City na walang face mask o kaya’y mali ang pagkakasuot nito sa isinagawang saturation drive ng Iloilo City Police Officer.
Ayon kay ICPO Spokesperson at Police Station 1 Commander Captain Shella Mae Sangrines, 59 ang nahuli nitong Martes ng gabi.
Batay sa tala, nasa 30 violators ang nahuli sa Jaro, 6 sa Lapuz , 10 sa Arevalo at 13 sa City Proper.
Dahil sa paglabag nila sa City Ordinance number 2020-095 o ang face mask ordinance, dinala ang mga violators sa holding areas, kinuhaan ng data at inisyuhan ng citation ticket.
Continue Reading