Connect with us

Iloilo News

Mobile Substation ng MORE Power na nagkakahalaga ng P50 million, dumating na

Published

on

DUMATING na ang kauna-unahang mobile substation ng MORE Electric and Power Corporation sa lungsod ng Iloilo.

Mayroon itong power transformer na may kapasidad na 10 MVA at nagkakahalaga ng 50 million pesos.

Ang naturang Mobile substation ay gagamitin para matugonan ang kailangan na load ng kuryente dahil sa lumalaking demand sa Megaworld sa Mandurriao.

Dahil dito, mababawasan ang load ng 25 to 30MVA Power Transformer sa Mandurriao substation na nasa critical level na dahil sa madaming commercial districts at malls.

May dadating pa na 30MVA mobile substation na gagamitin bilang alternatibo kung matutuloy ang repairs at rehabilitations sa mga existing substations.

Kabilang ito sa mordernization at development plan ng MORE Power para mapainam ang kalidad sa lungsod ng Iloilo.

Dumating ang barkong kinargahan ng naunang mobile substation, kahapon, Linggo, September 27 sa Culasi Port sa Roxas City.

Agad agad naman itong dinala patungong Iloilo City at nakarating ng 8:00 ng gabi.