Iloilo News
MORE POWER AT OPISYALES NG SAN PEDRO MOLO, MAGTUTULUNGAN SA PAGSAWATA NG MGA JUMPERS


Matapos ang sunod-sunod na mga operasyon laban sa mga illegal connections sa Brgy. San Pedro, Molo, binisita ito kanina ni MORE Power Iloilo President Roel Castro at nakipag-usap sa mga opisyales ng baranggay.
Personal na nakita ni Mr. Castro ang sitwasyon, ang mga buhol-buhol na linya ng kuryente, tagilid na mga poste at mga kuntador.
Sinabihan ni Castro ang mga opisyal na agad na aayusin ng MORE Power ang mga ito at maglalagay ng dagdag na mga poste at transformer.
Subalit kailangan muna umanong mahinto ang nakawan ng kuryente sa lugar dahil masasayang lang diumano ang gagastusin ng MORE Power kung mapupunta lang ito sa mga magnanakaw.
Dahil dito, malaki ang pasasalamat at ikinasiya ito ng mga opisyales ng San Pedro at ipinangako na tutulong sila sa pagkumbinse sa mga residente na magpakabit ng kuntador at tigilan na ang pagnanakaw ng kuryente.