Connect with us

Iloilo News

MORE Power, gumagamit ng thermal scanner para sa mabilis na pagsasaayos ng kuryente

Published

on

Isa ang thermal scanner na may malaking tulong para matupad ang plano na rehabilitation at modernization ng MORE Electric and Power Corporation sa distribution network ng kuryente sa lungsod ng Iloilo.

Batay sa MORE Power, nakabili na sila ng 2 infrared thermography for electrical distribution system o thermal scanners.

Ang naturang equipment ay may kakayahang malaman ang mga delikadong parte ng mga linya, connectors, transformers at iba pa, bago pa man itong tuluyang masira.

Para din ito sa mabilisang pag-aayos ng line operations and maintenance division ng MORE Power at para maisagawa ang konkretong plano at schedule ng power interruption na advance na ipapaalam sa mga konsumidor.

Samantala, nagsagawa na ng thermal scanning sa 5 substations ang MORE Power kabilang ang power transformer bushings at main take off points ng mga feeder lines.

Sa paraang ito malalaman kung ano ang mga dapat at agad-agad na aayosin sa mga distribution lines at substations.