Connect with us

Iloilo News

MORE POWER: “HINDI RIN NAMIN KAGUSTUHAN ANG BROWNOUTS”

Published

on

Nilinaw ni MORE Power Iloilo President Roel Castro na mismo sila ay hindi rin kagustuhan ang mga nangyayaring power interruptions sa lungsod.

Ayon kay Castro ang sarili nilang kompanya ang unang apektado kapag may brownout dahil patuloy ang kanilang operasyon habang walang revenue ang kompanya.

Pinaabot din ni Castro na mas tumataas ang kanilang nagagastos kapag may brownout dahil sa mga kagamitan at contractors na tumutulong sa trabaho at overtime ng mga empleyado.

“Ang MORE Power kag iban pa nga mga electric distribution utilities ang makasukot lang sa mga konsumidor kun may mag sulod nga kuryente sa ila kag ila gingamit nga ginbasa sang ila kuntador. So kun wala kuryente, wala man gatiyog ang kuntador kag wala man sukton ang MORE”, ayon kay Mr. Castro.

Pero dahil sa maraming hindi maayos na pasilidad sa Iloilo City na mula pa sa Panay Electric Company, marami ring kailangang palitan ang MORE Power rason kung bakit hindi maiwasan ang mga scheduled power interruptions.

Dagdag pa ni Mr. Castro, pinalitan nila ng bagong poste ang halos 1,300 primary poles at halos 3,000 secondary wooden poles na mga sira at halos natutumba na.

Paliwanag pa nila, aabot ng halos tatlo hanggang limang taon bago pa nila mauubos na palitan ang mga ito.

Aniya pa, kailangan nilang magsagawa ng power interruptions para sa kaligtasan ng mga nagtatrabaho at maging sa kaligtasan ng mga tao sa paligid.

“Kun indi naton ini pagbayluhan, mas dako ang damage kag mas malawig ang power interruptions kag indi naton mabal-an kun san-o ina matabo. Gani, importante nga maprevent naton ina paagi sa rehabilitations kag maintenance works”, saad pa ni Castro.

Maliban sa scheduled na improvement activities, may mga unscheduled power interruptions din dahil sa mga sumusunod:

* Pagkasira ng mga pasilidad katulad ng transformer, poste at linya ng kuryente dahil luma na ang mga ito.
* Pagkadikit ng ibangbagay o mga hayop sa linya ng kuryente na dahilan ng short circuits.
* Aksidente na mga bumangga sa poste at mga nahagip ang linya ng kuryente.
* Pag overload ng linya ng kuryente at transformer dahil sa mga illegal connections.

Pero paliwanag ng kompanya, tuwing nangyayari ang mga sumusunod na power interruptions, agad namang nagreresponde ang MORE Power para sa mas agarang pagsasaayos at para mas mabilis na maibalik ang kuryente.

Inihayag din ng MORE Power President na papalitan din nila hng mas maayos na primary lines para maiwasan ang short circuit.

Maglalagay din sila ng animal guards sa mga lugar kung saan may naitalang maraming hayop na umaakyat sa mga poste.

“Ginahimo naton ini tanan nga sakripisyo agud nga mastabilize ang distribution system kag mapapanaog pa gid naton ang presyo sang elektrisidad para sa aton mga konsumidor,” pahayag ni Castro.