Iloilo News
MORE POWER ILOILO, HINDI MUNA MAGPUPUTOL NG LINYA NG KURYENTE HABANG UMIIRAL ANG MECQ
WALA MUNANG PUTULAN ng kuryente ayon sa MORE Power Iloilo sa mga hindi nakabayad na mga konsumidor habang umiiral pa ang Modified Enhance Community Quarantine (MECQ) sa lungsod.
Ito ang napagdesisyunan kahapon ng management ng Distribution Utility bilang pag-alalay sa mga residente na naapektuhan ng risk classification dahil sa patuloy na pagsipa ng kaso ng Covid 19.
Mababatid na isinailalim ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas at ng National Inter-Agency Task Force sa MECQ ang lungsod simula Hunyo 15.
Samantala, magbibigay naman ang MORE Power ng dagdag na 30 days na palugit sa pagbayad ng mga bill na nakatakda sa loob ng Mayo 23 hanggang Hunyo 15.
Hindi rin sisingilin ang surcharge sakaling malampasan ang pagbayad ng konsumidor.
Gayupaman, maaaring ipagpatuloy ang disconnection sa mga konsumidor na may Disconnection Notice kapag naitanggal na ang MECQ.
Sinigurado naman ng MORE Power na ireconnect kaagad ang kuryente sa loob ng 24 oras kapag nakabayad na ang konsumidor.
Hinikayat din ng MORE Power ang mga konsumidor na may kakayahang magbayad ngayong MECQ period na maaari silang makabayad sa mga third party payment partner centers o branches kabilang ang sumusunod:
BDO, PNB, Landbank, Robinsons Bank, Queenbank, Ok Bank, Metrobank, Union Bank, Palawan Pawnshop, RD Pawnshop, LBC at SM Payment Center.
Pwede rin silang makabayad sa online banking ng BDO, PNB, Robinsons Bank, Landbank at Metrobank at sa Dragon Pay online.
Simula June 2, itinigil ang operasyon sa mga cashiers ng MORE Power sa Hotel Del Rio dahil sa isinagawang disinfections.