Iloilo News
MORE POWER, MAGSASAGAWA NG PHOTO COMPETITION NGAYONG 2021
Malaki ang papel ng enerhiya sa modernong mundo at mahalaga rin ang bahagi nito sa bawat isyu. Nakasalalay rito ang bawat tahanan at negosyo. Kailangan ito sa pang-araw-araw na gawain. At dahil pinapahalagan rin ng mga tao ang industriya ng enerhiya, nais itong makita ng MORE Power sa biswal na representasyon.
Sa pakikipagtulungan kasama ang Photographic Society of Iloilo, inanunsyo ng MORE Power ang paglulunsad ng kauna-unahang search for “MORE Power Image Photo 2021” na may temang “Bringing More To Life” layon nitong mailarawan ang kahalagahan ng enerhiya sa modernong mundo, ang kaginhawaan at papel nito sa araw araw na pamumuhay.
THEME: Bringing More To Life
PARTICIPATION FEE: Free
PRIZES:
Overall Best MORE Power Image 2021 P15,000
Sub-category 1: (Empowering Education 2021) P10,000
Sub-category 2: (Power Impacts on the Environment 2021) P10,000
Sub-category 3: (Most Popular Photo 2021) P10,000
10 photo runners-up P1,000 each
Maliban sa cash prize, gagamitin bilang cover image sa Coffee Table Book ng More power ngayong taon ang mananalo bilang “Overall Best MORE Power Image 2021”.
Ang over-all winner kasama ang mga mananalo sa three sub-categories ay pipiliin sa 14 best photo entries. Ang matitirang 10 ay idedeklara bilang runners-up.
Ang lahat na ‘14 best photos” sa entries ay itatampok sa MORE Power website at social media platforms para maabot ang ‘audience’ at maibahagi ang profile ng mga sumali bilang ‘conscientious energy photographers’, isasagawa rin ito para makalahok ang MORE Power-Iloilo Page Likers para piliin ang “Most Popular Photo.”
Ibabahagi ng Working Committee “14 best photos” sa MORE Power-Iloilo Page (@MOREpowerIloilo) at ang larawan naman na may pinakamaraming ‘hearts votes’ ay idedeklara bilang “Most Popular Photo 2021”. Ang Deadline para sa generation ng “heart votes” ay sa Pebrero 14.
BUKAS ang kompetisyon sa lahat na photo enthusiasts–professionals, amateurs, at mga estudyante — na residente sa lungsod ng Iloilo . (Only 1 entry per participant is allowed.)
Ang mga empleyado ng MORE Power, kabilang ang mga kamag-anak sa second degree of consanguinity or affinity, ay disqualified sa nasabing kompetisyon.
Ang mga miyembro rin ng Photographic Society of Iloilo ay disqualified sa kompetisyon.
SUBMISSION CRITERIA:
Ang mga larawan ay dapat orihinal (photo enhancement and manipulation are not allowed).
Kailangang nasa high-resolution (300 dpi), digital format (jpeg), landscape, and in 2mb minimum capacity.
Maaaring gamitin ang smartphone/digital camera (dslr/mirrorless) (Drone photos are not allowed)
Ang mga ‘Photo entry’ ay dapat kinuha lamang sa loob ng lungsod at may koneksyon sa tema.
Narito ang mga detalye para sa Photo entry:
Kompletong ng entry sender, kompletong address, at mobile number. Kailangang may title at caption ang bawat entry.
Dapat ang mga larawan ay walang pirma, stamps, watermarks, copyright marks, o anumang identifying symbols. (Entry must be in color only.)
Pipiliin ng mga hurado ang kakaiba at ‘dramatic viewpoints’ na hindi pa nakikita sa ibang mga larawan. Mahalaga ang ‘originality’.
Grado ng mga entries: ang ten (10) point system ay i-a-adopt ng mga hurado kabilang ang decimal points— 10 ang pinakamataas at 1 ang pinakamababa.
Kung ano man ang magiging desisyon ng panel of judges na binubuo ng chairman at 2 miyembro, iyon ay magiging pinal. (Appeal will not be allowed.)
Kailangang ma-upload ang photo entry sa designated contest email: [email protected]
Deadline of submission — Pebrero 8, 2021.
Ang mga larawan na kinuha mula Enero 18, 2021 hanggang February 8, 2021 lang ang itatanggap bilang ‘entry’ sa nasabing kompetisyon.
*COPYRIGHTS & USAGE RIGHTS: Ang lahat ng mga larawan na isusumite ay sasailalim sa mga tuntunin na inihain ng MORE Power. Kapag naisumite na, sumasang-ayon ang kalahok sa MORE Power na pagpapanatilihin ang mga isinumiteng larawan at ang deskripsyon nito na maaaring gamitin sa hinaharap.