Iloilo News
Mpox patient sa Iloilo province, gumaling na ayon sa IPHO


NAKAREKOBER na ang kumpirmadong kaso ng mpox o Monkeypox sa lalawigan ng Iloilo ayon sa Iloilo Provincial Health Office (IPHO).
Kinumpirma ng IPHO ngayong Huwebes na tuluyan nang gumaling ang pasyente matapos ang 21 araw ng isolation.
Naghilom na rin ang mga lesions ng sakit ng naturang pasyente.
Hindi naman nagpakita ng anumang sintomas ng monkeypox ang limang close contacts ng pasyente at kasalukuyang silang nasa home quarantine.
Patuloy ang paalala ng mga health officials sa publiko na sumunod sa mga health protocols upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.
Continue Reading