Iloilo News
OPERASYON NG TOURISM, RECREATION, AT ACCOMMODATION ESTABLISHMENTS SA ILOILO, TEMPORARYONG ISUSUSPINDE — GOV. DEFENSOR
Temporaryong isususpinde ang operasyon ng mga tourism facilities, recreation and accommodation establishments sa probinsiya ng Iloilo mula Mayo 22 hanggang 31 batay sa inilabas na Executive Order No. 163 ni Iloilo Governor Arthur Defensor Jr.
Layon nitong malimitahan ang galaw ng mga residente para mapigilan ang paglubo ng kaso ng COVID-19.
Nakasaad sa EO na isususpinde ang operasyon ng swimming pools, cottages, beaches, playgrounds, game rooms, function rooms, dining halls, bars, at dance halls.
Isususpinde rin ang tourism, recreation at accommodation establishments’ katulad ng beach resorts, inland resorts, water parks, amusement parks, ecological parks, hotels tourist inns, motels, pension hotels condotels, apartment houses, beds and breakfast establishment.
Ipinagbabawal rin ang swimming sa mga public beaches at inland resorts.