Connect with us

Iloilo News

PAG-EXTEND NG MORE POWER BILANG POWER DISTRIBUTOR SA IBANG BAYAN SA ILOILO, PINAG-AARALAN NA

Published

on

PAG-EXTEND NG MORE POWER BILANG POWER DISTRIBUTOR SA IBANG BAYAN SA ILOILO

INIHAYAG ng More Electric and Power Corporation na pinag-aaralan na ng kanilang kompanya ang posibleng pag-extend ng kanilang serbisyo sa ibang bayan sa Iloilo.

Ito ay kasunod ng panawagan ng mga lokal na opisyal sa mga katabing bayan ng syudad na isama na sila sa franchise area ng MORE Power.

Ayon kay MORE Power Iloilo President Roel Castro, nagsasagawa na sila ng economic analysis kaugnay rito, maging sa impact sa rate ng kuryente.

Sinabi din ni Castro, na ang MORE Power pa rin ang may pinakamababang base price kung ikukumpara sa ibang power distributor sa bansa.

Paliwanag pa niya, kung magbabago man ang presyo ng kuryente sa merkado sa mga susunod na buwan, ang mahalaga raw ay pinakamababa pa rin ang base price ng kuryente ng MORE Power.

Maalalang naibaba ng MORE Power sa P6.45/kWh ang residential rate noong nakaraang July na halos 4 na pisong mas mababa sa mga Iloilo Electric Cooperatives.

President Roel Castro

President Roel Castro, MORE Power

“Ang prices kasi ng electricity will definitely change month to month. What is important ang atun base price is the lowest compared to others” pahayag ni Castro.

Ayon kay Castro, magkakaroon na ng sampung taong kontrata ang MORE Power sa nanalong supplier sa kanilang isinagawang Competitive Selection Process noong nakaraang buwan para sa 45 MegaWatt base load demand ng Iloilo City.

Dahil dito ay sigurado na sa mahabang panahon na mababa pa rin ang presyo ng kuryente para sa mga konsumidor ng MORE Power.

Samantala, bukas ang mga kongresista sa Iloilo kaugnay sa hiling ng mga munisipalidad kung saan idudulog nila ito sa kongreso para mapag-aralan.

Ang prangkisa sa elektrisidad ay ibinibigay ng Kongreso base sa Saligang Batas at Electric Power Industry Reform Act.