Connect with us

Iloilo News

PAGPAREHISTRO NG MGA 12-17 ANYOS PARA SA VACCINATION PROGRAM SA ILOILO CITY, NAGSIMULA NA

Published

on

Nagsimula na ang Iloilo City government sa pag-parehistro ng mga nasa edad 12 – 18 para sa COVID-19 vaccines administration sa buwan ng Oktubre.

Kasunod ito sa rekomendasyon ng National Task Force Against COVID-19.

Unang inihayag ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., na target na bakunahan ang 12- 17 anyos sa katapusan ng Setyembre o Oktubre.

Aniya, depende ito sa supply ng bakuna at kapag pinahihintulutan na ito experto.

Inutusan na ni Mayor Jerry Treñas ang City Population Office na simulan ang paglista sa mga 12 hanggang 17-anyos sa mga barangay, base sa kanilang school ID kabilang na ang parent’s consent.

Nabigyan na ng Philippine Food and Drug Administration (FDA) ng Emergency Use Authorization (EUA) ang Pfizer vaccine para sa 12-anyos pataas.

Habang nag-apply naman ang Sinovac sa FDA para gamitin ang kanilang bakuna sa mga kabataang tatlong anyos pataas.

Via: Aksyon Radyo