Iloilo News
PCPC, NAMAHAGI NG SMART TABLETS SA MGA ISKOLAR: E-LEARNING NG MGA ESTUDYANTE MAS NAPAPAHUSAY
Para matulungan ang mga estudyante sa kanilang e-learning, namahagi ang Palm Concepcion Power Corp. (PCPC) kamakailan lang ng android tablets at storage devices sa pitong iskolar nito.
“We can now answer our examinations and quizzes easier because of our new tablets compared to when we were still using just mobile phones. I am really thankful to PCPC not just for this donation, but more so, for sparing our family from the worries of sustaining my studies,” pahayag ni Kaye Cerujano, isa sa mga PCPC Bright Scholars.
Ayon kay Cerujano, na isang 1st year BS Criminology student ng University of Iloilo, ang kanilang monthly allowance bilang scholar ay malaking tulong sa pagbili ng load para sa internet connection.
Pero aniya pa, mas malaking tulong ang tablets sa kanilang blended learning.
Pahayag naman ni Ms. Anna Lynn Derpo, PCPC Vice President for Corporate Services and Affairs, karamihan sa kanilang iskolar ay walang personal computers at nahihirapan aniya ang mga ito na matugonan ang class requirements kaya’t napag-desisyonan nila ang mga magbigay ng additional resources katulad ng tablets at memory cards.
Sa isinagawang turnover noong Mayo 6, 2021, nagkaroon ng brief mentoring session roon na pinangunahan ng Acting Plant Manager ng PCPC Power Plant.
Ang PCPC, na nag mamay-ari ng 135-Megawatt CFBC Power Plant sa Concepcion ay naglunsad ng PCPC Bright Scholarship Program in 2016 para sa mga qualified students na mula sa low-income families sa kanilang munisipalidad.
Samantala, makaraang Abril 26, ang affiliate ng PCPC’s na Peakpower Bukidnon Inc., isang diesel power plant sa Bukidnon, ay nag-donate rin ng tablets at storage devices sa dalawang iskolar na nag-aaral sa Bukidnon State University.
Maliban sa pagsusuporta sa mga iskolar, ang PCPC at ang kanilang affiliates ay patuloy sa pagbibigay ng educational materials at care kits (PPEs, alcohol, at face masks) sa mga paaralan sa kanilang host communities.