Iloilo News
“POWER THEFT”: 5 NEGOSYANTENG CHINESE, SINAMPAHAN NG REKLAMO NG MORE POWER DAHIL SA ILEGAL NA PAGGAMIT NG KURYENTE
SINAMPAHAN ng reklamo ng MORE Power ang limang (5) miyembro mula sa milyonaryong negosyanteng pamilya sa Iloilo City dahil sa paglabag sa RA 7832 o Illegal use of electricity and theft of power.
5 resolution ang inisyu ng Iloilo City Prosecutors Office (ICPO) laban kina Edward Tiu, Rodolfo Tiu, Eugene Tiu, Mary Tiu, Edgar Tiu at kaniyang asawa na si Caroline Tiu.
Ayon kay Atty Hector Teodosio, legal counsel ng MORE Power, na file ang kaso noong January 21, 2021.
Paliwanag ni Teodosio, nahuling may illegal connection sa compound ng pamilya Tiu sa Villa Rosario Subdivision sa Molo matapos magsagawa ng inspection ang MORE Power’s Meter Lab and Apprehending Team noong July 17, 2020.
Batay sa inspection team, napag-alamang tampered ang limang transformer meter sa kanilang compound rason kung bakit bumaba ng 50% ang kanilang electricity charges.
Kung babasehan ang ‘computation’ mula February 29, 2020 – July 18, 2021, nawalan ang MORE Power ng ilang halaga dahil sa tampering:
Edward Tiu – P90,968.29
Edgar Tiu and Caroline Tiu – P90,705.95
Rodolfo Tiu – P75,201.90
Eugene Tiu – P130,289.26
Mary Tiu – P130,092.
Magugunitang nagmamay-ari ang pamilya Tiu ng Madison Hotel, Iloilo Grand Hotel, Dragon Lodge Hotel, Grand Xing Imperial Hotel, the Grand Tower Suits at TTK Realty and Development Corporation.