Connect with us

Iloilo News

PRESYO NG KURYENTE SA ILOILO CITY, BUMABA NG MAHIGIT 3 PESOS — MORE POWER

Published

on

BUMABA ng 3 piso at 55 sentimo ang presyo ng kuryente sa kada kilowatt hour sa mga residential consumers sa lungsod ng Iloilo ngayong buwan ng Hulyo.

Ito ang anunsyo ng Distribution Utility na MORE Electric and Power Corporation sa kanilang mga konsumidor ngayong araw.

Noong nakaraang buwan ng Hunyo, aabot sa 10 piso kada kilowatt per hour ang presyo ng kuryente sa lungsod pero ngayong buwan bababa ito ng 3 piso at 45 sentimo.

Halos 30% ang ibinaba sa rates ng commercial, intermediate at govt consumers ng MORE Power.

Itinuturing ito na pinakamalaking pagbaba ng presyo ng kuryente sa lungsod ng Iloilo.

Ayon kay MORE Power Iloilo Pres. Roel Castro, nakatulong dito ang desisyon nila na i-konek ang kanilang substations direkta sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na kung saan nakabili na sila ng mas murang kuryente sa mga suppliers.

Nakakuha ang MORE Power ng 100% na supply ng murang kuryente sa Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation na nag-o-operate ng Geothermal Plant sa Leyte na isang renewable energy.

Kung ikukumpara sa ibang mga Distribution Utility at Electric Cooperatives, halos kalahati ang deperensya ng presyo ng MORE Power ngayon.

Sa ngayon ang Iloilo City ang may pinakamababang presyo ng kuryente sa buong Pilipinas ngayong buwan.

Inaasahan din ng MORE Power na tuloy-tuloy na ito sa susunod na 6 na buwan at posibleng bababa pa kung matapos na ang isinasagawang Competitive Selection Process ng mga suppliers.

Halos mahigit 5 piso ang kabuuan na ibinawas sa presyo ng kuryente nang simulang mag-operate ang MORE Power sa lungsod ng Iloilo noong nakaraang taon.