Iloilo News
PRRD, WINARNINGAN SI ILOILO CITY MAYOR JERRY TREÑAS SA PAGTANGGI NITO SA MGA REPATRIATED OFWs
Nagpahayag ng babala si Pangulong Rodrigo Duterte kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas may kaugnayan sa diumano’y pagtanggi ng alkalde na tanggapin ang mga repatriated Overseas Filipino Workers o OFWs.
“Sa city of Iloilo, Hindi ninyo tinanggap yong mga (returning) overseas Filipino workers (OFWs). Sir, mayor, nakikiusap ako sa inyo…magkakaroon ho tayo ng problema if you resist” ayon sa presidente sa kanyang televised address to the nation lunes ng gabi. Noong nakaraang linggo, nagpauwi ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ng umaabot sa 266 OFWs sa Western Visayas karamihan ay mga seafarers na nastranded sa Metro Manila.
Lima sa mga ito ang nagpositibo sa coronavirus disease (COVID 19). Dahil dito ipinahayag ni Treñas na Hindi nila tatanggapin ang mga barkong sakay ang mga repatriated OFWs kung walang koordinasyon ang OWWA sa city government.
Sabi naman ng pangulo mapipilitan siyang mag “operate” sa pamamagitan ng Department of Interior and Local Government (DILG). Dagdag Pa ng pangulo ipinaalala niya sa lahat ng mga local executives na trabaho ng mga ito na tulungan at protektahan ang kanilang mamamayan. Hindi umano siya tutol sa gusto ng mga alkalde na maiiwas na magkahawaan ng sakit subalit iginiit ng pangulo na ang mga OFWs ay residente rin ng Pilipinas at gustuhin man o Hindi meron silang constitutional right na magtrabaho o magbyahe abroad at umuwi rin sa bansa.
“Sumunod kayo sa magandang paraan o pipilitin Kong sumunod kayo. I don’t want to embarass people. Mahirap ito, this is a constitutional issue”, pahayag ng lider. Sa halip umano na pagbawalan ang mga OFWs na umuwi at mananatiling stranded, sinabi ng pangulo sa mga LGUs na maglaan ng special facilities para sa mga ito para makumpleto ang 14-day quarantine. “If the OFWs have money in their pockets, I’m sure that’s intended for the family, if they are stranded for far too long mauubos Yang pera na Yan and they would go home with empty pockets, we do not want that to happen” giit ng pangulo.
“The national government, makinig kayo local executives, will insist you accept the OFWs,” sabi Pa niya. Sa isinagawang meeting noong sabado ng Western Visayas inter agency task force on COVID 19, sinabi ni Treñas na Hindi nila tatanggapin ang mga barkong dadaong na may kargang mga repatriates kung Hindi magko-coordinate ang OWWA sa city government.
“Ang masama sa inyo Plano kayo ng Plano, pagdating ng problema ituro nyo sa amin” (Ang lain sa inyo kay plano-plano kamo, pag-abot sang problema itudlo ninyo sa amon), sabi ni Treñas. Napag alaman na nadidelayed umano ang pagbibigay ng pagkain sa mga naka quarantined ngayon na mga OFWs sa isang hotel sa Iloilo city at wala umanong regular na pag check sa kanilang health condition kapareho ng pag monitor ng kanilang body temperature.
Wala din umanong sapat na tauhan ang OWWA para mag assist sa mga repatriates. Dalawa Pa umanong batches ng mga OFWs ang nakatakdang dumating sa Western Visayas.
Ayon sa Maritime Industry Authority (MARINA) ang unang batch ay may kabuuang 232 OFWs (Aklan-28, Antique-29, Capiz-25, at iloilo-150), habang ang pangalawang batch ay umaabot sa 301 (Aklan-53, Antique-24, Capiz-30 at Iloilo-194).