Connect with us

Iloilo News

ROSTER OF BENEFICIARIES NG 4Ps NA HINDI NAKAKUHA NG SAP, MAKAKATANGGAP NA NG AYUDA – DSWD6

Published

on

Iloilo City — Makakatanggap na ng Social Amelioration Program subsidy ang mga nakasama sa roster of beneficiaries ng 4Ps na may sarili ng pamilya at hindi nakakuha ng ayuda.

Kinumpirma ni DSWD6 Dir. Ma. Evelyn Macapobre sa press briefing ng DSWD6 nitong hapon na nakatanggap sila ng Memorandum mula kay DSWD Undersecretary for Operations Atty. Aimee Torrefranca-Neri ukol sa paglista ng kaanak ng 4Ps beneficiaries at ibang mga kwalipikado sa ayuda sa ilalim ng ilang kondisyon.

  1. Hindi dapat grantee ang active household beneficiary ng 4Ps ang indibidwal
  2. May sariling pamamahay o household ang indibidwal at hindi 4Ps beneficiaries
  3. Hindi nakatanggap ng benepisyo ang indibidwal mula sa 4Ps grant kung saan siya unang nakalista
  4. Naninirahan sa hiwalay na bahay ang indibidwal ng hindi bababa sa dalawang buwan

5.) Classified ang indibidwal na moved out member sa Pantawid Pamilya Information System

Iginiit ni Dir. Macapobre na dapat masunod ang lahat ng kondisyon para ma-qualify ang isang indibidwal.

Matatandaan na maraming residente na kabilang sa roster of beneficiaries ang nagreklamo dahil hindi sila nakatanggap ng ayuda kahit na may sarili na silang pamilya at tahanan.