Iloilo News
SINGIL SA KURYENTE NG MORE POWER, BABALIK NA SA NORMAL RATE
BABALIK NA SA NORMAL RATE ang presyo ng kuryente sa mga kostumer ng MORE Power Iloilo ayon kay MORE Power President and CEO Roel Castro.
Aniya, epektibo ang bawas-singil ngayong araw, Huwebes, Setyembre 23.
“Babalik tayo doon sa normal rate natin which will be between mga P6.50-P7.00 per kWh… ang effectivity niyan is today,” saad ni Castro.
Kasunod ito sa inilabas na direktiba ng Energy Regulatory Commission na itigil na ang additional charges kaugnay sa nasirang submarine cable ng National Grid Corp. of the Philippines (NGCP) dahil sa dredging activity ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Batay sa July 2021 billing, bumaba na ang rate ng MORE Power sa P6.55 per kWh pero tumaas ito dahil sa line rental na dinagdag ng Philippine Electricity Spot Market Corp. (PEMC) sa mga distribution utilities (DUs).
Mababatid na maraming stakeholders at kostumer ang naghain ng reklamo dahil sa ipinatupad na dagdag-singil.
Pinangunahan ng MORE Power ang nasabing complaint kaya’t nagpadala sila ng sulat sa Energy Regulatory Commission (ERC) at dininig naman ng ahensiya ang kanilang panawagan.
Nakasaad sa sulat ni Devanadera para kay Philippine Electricity Markey Corporation (PEMC) President Leonido Pulido III, dapat i-refund ang additional charges na unang nang nakolekta ng mga DUs sa mga konsumidor mula Hunyo hanggang Agosto 2021.